Mga Buod ng Kabanata 8-11

Kabanata 8:

Habang naglalakbay sila ay naiingit si Don Pedro kay Don Juan dahil siya ang naghuli sa Ibon at hindi siya. Dahil sa ito ay may masamang balak si Don Pedro para kay Don Juan. Sinabi niya kay Don Diego na bubugin si Don Juan at kunin ang Ibon upang sila ang paparusahan at hindi si Don Juan. Una ay hindi pinayagan ito ni Don Diego pero sakali ay pumayag. Binugbog si Don Juan at nakuha nila ang hawla at naglakbay patungo sa Berbanya. Noong nakarating na sila ay gumaan ang loob ni Haring Fernando. Pero, noong nakita niya na wala si Don Juan ay lalong nahina siya. Pagkatapos nito ay lungkot ang Adarna at ayaw kumanta kay Don Fernando. Pumangit rin ang kanyang nga balahibo. Sinabi ng hari na nagdududa siya kung ito ba talaga ang totoong Adarna. Hindi aawit and Adarna kung wala ang mayari na si Don Juan kaya umasa ang hari na ligtas pa rin si Don Juan upang makakagaling siya.

Kabanata 9:

Nagsasagip ng buhay si Don Juan dahil sa bugbog ng kanyang mga kapatid. Habang ang kanyang ama naman ay lumulubha ang sakit. Nagdasal si Don Juan sa Diyos na sana gumaling ang kanyang ama sa tulong ng Ibong Adarna. Hindi umubra ang kapangyarihan ng Ibong Adarna at hindi gumaling ang kanyang ama kasi wala ang tunay na may ari ng Ibong Adarna na si Don Juan. Narinig ang kanyang mga panalangin ng isang matanda galing sa bundok. Ginamot siya ng matanda, nagkamalay si Don Juan at nagkaroon siya ulit ng lakas. Tinanong ni Don Juan kung ano ang magagawa niya upang mabayaran niya sa ginawa ng matanda. Sinabi ng matanda na bumalik siya sa Berbanya para mapagaling niya ang kanyang ama.

Kabanata 10:

Noong gumaling na si Don Juan bumalik na siya sa Berbanya. Masaya na ang kanyang ama kasi bumalik na ang kanyang pinakamahal niyang anak. Bumalik ang magandang balahibo ng ibong adarna kasi nakita na niya ang tunay na may ari sa kanya. Inawit ng ibong adarna kung ano ang nangyari kay Don Juan. Gumaling sa sakit ang hari sa tulong ng ibong adarna. Pinarusahan niya sina Don Pedro at Don Diego ngunit hiniling ni Don Juan na patawarin sila kasi hindi nila alam ang ginagawa nila. Bumalik ang kaayusan ng Berbanya at ang pagkamalay at sigla ng hari. Inutusan ng hari ang kanyang mga anak na magbantay ng ibong adarna tatlong oras bawat gabi.

Kabanata 11:

Kasi naiingit pa rin si Don Pedro may binalak nanaman siya ng masama, upang makaganti din siya sa pagkapahiya nila. Isang gabi iniyaya ni Don Pedro si Don Diego na sabay sila magbantay sa ibong adarna, tinanong ni Don Pedro kung sino magbabantay pagkatapos nila sabi ni Don Pedro na si Don Juan. Pagkatapos ng tatlong oras ng kwentuhan at biruan ginising nila si Don Juan kahit hindi niya pa oras. Kasi kulang pa sa tulog si Don Juan nakatulog siya habang nagbabantay sa ibong adarna. Pumasok ang dalawa sa silid at pinawalan ang ibong adarna. Nang nakita ni Don Juan na wala na ang ibong adarna agad siyang umalis sa palasyo. Nang magising ang ama nila nakita niya na wala na ang ibon, tinanong niya kung sino ang bumantay noong gabi na iyon sabi ng magkapatid na si Don Juan, Inutusan niya ang kanyang dalawang anak para hanapin si Don Juan, habang naghahanap nakarating sila sa Armenyang Kabundukan.

Leave a comment